Siya ang aking ama.
Dugo at laman kung sabihin niya.
Hindi man kapanipaniwala sa mata ng iba
At sa ibang aspeto
Pero seryoso, siya nga.
Dugo at laman kung sabihin niya.
Hindi man kapanipaniwala sa mata ng iba
At sa ibang aspeto
Pero seryoso, siya nga.
Naging malayo siya sa amin.
Andon siya, andito kami.
Panahong mas matagal
Kaysa sa panahong dapat magkasama.
Mahirap pero kinalaunan ay nakasanayan.
May dahilan kung bakit sila nagdesisyon na siya ay lalayo
Pansamatala. Dalawang taon.
Hanggang sa naging apat o higit pa.
Responsibilidad na kusang naipapatong sa ama ng tahanan.
Sakripisyo para sa buhay ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Pero katulad ng paglipas ng araw
At pagbago ng takbo ng mundo
Nadala siya ng ihip ng hanging makasalanan.
Maaaring katanggap tangap sa kanila
Pero para sa akin, hindi kailanman.
Katulad ko at katulad mo
Siya ay tao lamang.
Kumakapit sa sarili niyang paniniwala.
Tumatayo sa sarili niyang paninindigan.
Bingi sa totoong katotohanan.
Ang kahulugan ng salitang respeto
Ay hindi nalilimitahan sa pagsang-ayon
Sa kabuuan ng isang pagkatao.
Bagkus ay nabibigyang diin, sang-ayon ka man o salungat
Sa kabuuan o sa isang aspeto na kumukumpleto sa kaniyang pagkatao.
Magkaiba kami ng disposisyon, malayo, salungat
Bagkus sa kanya ko nakita kung paano ang manindigan
Siya daw ay matapang, walang inuurungan
Pero nakakalungkot sabihin na sa sarili kong mga mata
Aaminin ko siya pa rin ay mahina.
Hindi ko man matandaan kung kailan ko huling sinunod ang kanyang utos
Maliban sa mapag-arugang bilin niyang "ingat"
Di ko man tinanggap ang mga dahilan niya
Kahit tila ningas kugon siyang ituring
Mahal ko siya, at respeto ang meron kami para sa isa't isa.

0 comments:
Post a Comment